Ugaling Masinop: Miniature Trees

Ugaling Masinop: Miniature Trees

Habang ako ay nag-aayos sa lamanloob bilang paghahanda sa ating annual inventory ay napansin ko ang isang hugis puso na paninda natin. Sa pagkakaalala ko ay mayroon itong tangkay na nakatusok sa paso. Ngunit nakita ko na wala na ang tangkay. Habang hawak ko ay nakita ko na maaaring tanggalin ang mga dahon-dahon nito at maaaring ibenta na katulad ng ating mga miniature trees.
Pina-repack ko ito at nakagawa kami ng 18 packs mula sa damaged na produkto. Sa aking pag-obserba ay nakita ko na binibili ito ng mga Panauhin. Ang damaged na produkto na nakatambak ngayon ay nabebenta pa.